Urine is a liquid waste product of the body secreted by the kidneys by a process of filtration from blood and excreted through the urethra. [... ]This waste is eventually expelled from the body in a process known as urination, the primary method for excreting water-soluble chemicals from the body. - Wikipedia
Nakaranas ka na ba nang sitwasyong kakaihi mo lang ay naiihi ka na naman? Ganun kasi nangyayare sakin lately. Hindi ko maintindihan kung paano nangyare o kung paano nagsimula ang lahat. Basta isang araw ganito na. Ihi ako ng ihi. Nakakainis. Hindi ako mapakali kapag nagbibiyahe ako. Pakiramdam ko lagi, kelangan ko pumunta ng banyo. Yun bang pakiramdam na unti unti kang nilalamig at pinagpapawisan ng malagkit. Ang daming nagsasabi sakin pigilin ko daw... pero sabi ko naman, paano ko pipigilin yun ihi ko eh sa naiihi na talaga ako? Mahirap kayang pigilin ang ihi! Susko! Mapaihi pa ako sa pantalon!
Minsan kasi nakakaramdam ako, pero pag iihi na patak lang tapos kung kelan asa labas saka ihing ihi na para bang hindi na kayang pigilin... (magulo ba o naintindihan nyo? basta ganun na yun!) Kainis!
Sabi ng iba baka daw may UTI ako. Pero naisip ko, paanong magiging UTI to? eh hindi naman masakit pag nagbabanyo ako.. hindi din naman ako nilalagnat.
Sabi naman ng iba psycological daw yun, siguro tense ako kaya lagi akong naiihi or lagi kong iniisip. Ewan! Siguro nga! Paano ba naman, hindi pa ako nakakalabas ng bahay, kinakabahan na ako pag naiisip ko yun daranasin ko sa biyahe.
Netong mga huling araw nga, lalabas lang ako feeling ko talaga kelangan ko umihi. Kaya nahihirapan akong pumasok sa school. Isipin ko pa lang yun tagal na asa daan ako naiistress na ako. Haha. Yun mga classmates ko, alam na routine ko. Bago magstart ang class kelangan magbanyo muna ako. Yun upuan ko dapat sa dulo para madali akong makatayo at makalabas ng room pag naiihi ako.
Lagi akong pinapalabas ng mga tita ko, maggala naman daw ako. Pero lagi akong tumatanggi pano lagi nga akong naiihi.
Ngaun, nagaalala na at natatakot na ako kaya nakakahiya man, magpapacheckup na ako sa doktor. Hindi kasi nalipas, feeling ko pa nga, palala siya ng palala. Baka dumating yun time na hindi na ako makalabas ng bahay kasi baka asa pinto pa lang ako naiihi na ako.
Goodness! Nagiging banyo queen na ako! Pano lagi akong asa banyo! Nagiging lamigin paaa...
Ano ba naman kasi 'tong nangyayare sakin???? :(
Monday, 8 December 2008
Banyo Queen
![]() |

