OO naOP talaga ako noong simula kasi puro bata ang bisita. Wala akong kachocrahan. Haha. Pero nun nagsimula na yun palaro ok na.. tawa na din ako ng tawa kasi meron silang alagang aso, chiuaua, na galit sa mga bata. Hahahaha. Kalong kalong ko yun pet nila tapos naririnig ko naggGRRRR sa mga bata tapos tatahol! hahahahahaha.Tnry nga ng mga bata na haplusin kaso bigla tumahol... takbo naman ang mga bulilit sa takot na makagat... lmao.
After ng party hindi agad kami umuwi, kasi ayaw pa kami pauwiin ni tita Rose. Nakipagkwentuhan pa ako sa kanila at pinainom nila ako ng GINSENG LIQUOR habang naglalaro yun mga kapatid ko kasama ang mga anak nila.
Pero Bleah. LASANG UGAT ABA!!! Napaluha ako nun pagkainom ko sa sobrang tapang. Parang napaso yun dila ko. Pagkatapos naman... wala... parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. hahaha. Bigla akong inantok.
Tapos laughtrip ako noong nabasa ko yun description sa box. Nabasa ko na stress regulator daw, good for the heart and circulatory problems pero bigeyes ako noong nabasa ko yun SEXUAL FAILURE! Hahahaha. Lakas ng tawa ko sa kusina nila, naisip ko, "POTEK! APHRODISIAC pa ata tong liquor na to!". Hahaha.Nako nako... ang dami pang itinuro sakin ni tita Edna na ayaw kong ishare dito. Hahahahaha.
Pinainom din ako nila ng red wine. Tinuruan ni tita Edna kung paano pumili. etc etc etc.
Umuwi kami mga 10.30 na. NakapagPLURK pa ako at nakipagkulit kay Hapi ng tamaan ako ng tamang antok.
Pagkagising ko kaninang umaga. Nasermonan agad ako ng nanay ko. At dahil sanay na ako, pasok sa isang tenga labas sa kabila. Hahaha. Hindi ko na pinapansin. *eyeroll*
Tamang laughtrip naman ako sa kapatid ko noong nagtanong siya sa nanay ko.
(hindi ko 'to ittranslate. dahil ayaw ko itranslate)
BRO: Mamma, xkè dici sempre a Khym che la compri la tazza domani quando non lo fai mai?
MUM: E, anong sasabihin ko?
BRO: ehhh.. basta che dici che non hai soldi. Fai prima no? Guarda che noi ti capiremo xkè sappiamo che siamo poveri.
dito sa part na ito ako super halakhak kasi natameme nanay ko.
BRO: no? basta che dici di no. Non dire domani. xkè non lo fai mai... basta dire.....
MUM: Tumigil ka na Christian ha?! Tumahimik ka na!
At dito nairita ang nanay ko. Pero tuloy pa din ako sa pagtawa ko. Kasi hindi ko ineexpect na ganon na magisip ang kapatid ko. Hindi ko ineexpect na naiintindihan na niya yun mga ganun bagay.
Haaaay. Narealize ko na malalaki na mga kapatid ko. May mga isip na sila at hindi na pwedeng goyoin. Haha.
****
EXCESS: yun pictures noong birthday party asa multiply account ko.
#####
Labels: glenna

