Update. Update.
Updating my installment blog.
Haha.
It's been a while since my last update. Hindi ko talaga maasikaso ang magpost sa ngaun. Tinatamad kasi ako saka wala akong masabi.
Anyways, nothing has changed. Bored pa din ako. Patay na patay social life ko sa ngaun. Lagi kasi gabi shift ko sa trabaho tapos late na akong magising... kaya wala na talagang time para gumala. Pag-off naman ako, puro may trabaho mga kaibigan ko. Ayaw ko naman lumabas ng mag-isa. Maiinip lang ako sa labas.
Pwede din naman ako humanap ng new friends. Kaso lang... paano? Haha. Hindi nga pala ako marunong makipag-interact sa ibang tao aside from my relatives and friends. Mataray daw kasi mukha ko at mukhang suplada daw. Haha. Ewan. Mabait naman ako. Haha.
Btw, na-isipan kong manood ng concert ni Jason Mraz sa Milano sa Sept. 18. Ininvite ko yun katrabaho ko para may kasama ako pauwi... Haha. Hirap kasi ng walang kotse or license. Hirap umuwi pag gabi na. Nakakatakot.
Gusto ko na tuloy magkaroon ng lisensya! Ang hirap ng umaasa pa sa iba eh. Minsan ayaw akong sunduin. Minsan nakakahiya sumabay.
Ang problema lang, mahal ang lisensya. Haha. Mahal ang bayad at wala pa akong budget para dun. Mahirap ang buhay pag walang pera.
Pwede ko na bang sabihin na ang pera ang ugat ng problema ng maraming tao? Haha. Ok Hindi akin 'to. Narinig or nabasa ko 'to sa kung saan. Hindi ko lang matandaan.
Aalis na ako, sa susunod na lang ulit ako magpo-post.
Paalam.
Labels: random, rants