Sa buong buhay ko kayo lagi una kong iniisip pero nagsasawa na ako. Naisip kong ako naman ngaun. Sarili ko naman ngaun ang uunahin ko. Minsan gusto kong mainis kasi imbis na paginhawain nyo buhay ko ay mas lalo pa nyong pinagugulo. Wala naman kasi kayong pakialam. Sarili nyo lang mga iniisip nyo.
Kung alam ko lang noon na ganito ang mangyayare hindi na sana ako pumunta dito. Sana sa Pilipinas na lang ako. Pero naisip ko noon na gusto ko kayong makasama. Siguro kung makakasama kayo ay sasaya ako. Tumanda na ako at nagkaisip pero hindi ko man lang naramdaman ang kalinga nyo.
Bakit ganun? Hindi ako masaya kahit sama sama tayo? Bakit hindi kayo matuto? Bakit ang gulo natin?
Napapagod na ako. Nararamdaman nyo ba yun? Kaya lagi akong iritable kasi nagsasawa na ako sa takbo ng buhay natin. Walang pagbabago. Paulit ulit ang problema at ang mas nakakalungkot ay wala kayong pakialam.
Kung maari lang... kung kaya ko lang... aalis na ako.
Kung kaya ko lang sana. Kung marami lang sana akong pera.
#####
Labels: rants

